Kayo ay kasalukuyang nasa kompidensiyal at panatag na istraktura ng pag-uulat ng EthicsPoint. Sa ibaba ay ang mga pagpipilian na inyong maaaring makuha. Mangyaring i-klik sa loob ng palaso (Arrow Example) upang pumili ng uri ng ulat na gusto ninyong gawin.

Group Functions
Dahas o Banta Ang dahas ay isang espresyon ng intensiyon upang magdulot ng kasamaan, sakit, o danyos sa isang tao o ang kanilang ari-arian. (Kabilang sa mga halimbawa: ang direkta, pagbabalat-kayo, kondisyonal, marahas)
Di-mabuting Pag-uugali o Di-naaangkop na Pag-aasal Intensiyonal na maling-gawain; partikular: ang sadyang paglabag ng batas o panuntunan.
Diskriminasyon o Panggigipit Di-hinihingi at di-katanggap-tanggap na pananalita o pisikal na pag-uugali na itinuon sa isang empleyado dahil sa kanyang kasarian, relihiyon, kalipian, o mga paniniwala.(Kabilang sa mga halimbawa: ang makiling sa pagtanggap, makiling sa pagbigay ng mga gawain, maling terminasyon, makiling sa mga promosyon, makiling sa mga desisyong pang-edukasyon, di-parehas na kompensasyon, di-naaangkop na salita)
Di-wastong Pagbibigay o Pagtanggap ng Mga Regalo Ang pagbibigay, pagtanggap o paghingi ng mga bagay na maaaring pakahuluganan na isang pagtatangkang impluwensiyahan ang isang ugnayan o desisyon sa pangangalakal; mga bagay na ibinigay, tinanggap o hiningi para sa kapakanan lamang ng isang indibidwal o ng kanyang pamilya o mga kaibigan; mga bagay na ibinigay, tinanggap o hiningi habang nakikipagnegosasyon sa kontrata, o kaugnay sa mga negosasyong iyon; ang pagtanggap ng pera, mga tseke, money order, komprobante, gift certificate, pautang, stock o stock option.
Mapanlamang na Pangangalakal, Panlilinlang at Pandaraya Kinabibilangan ng mga gawi gaya ng pagsisinungaling, paglikha ng maling mga impresyon, pagtatanggal ng mahahalagang mga detalye o paggawa ng huwad na deklarasyon ukol sa mga produkto o mga serbisyong ini-aalok ng kumpanya o maging ng kakompitensiya nito, gayundin ang panunuhol at iba pang gawaing mapagsamantala o mapanlamang.
Mga Mapanlinlang na Pagbebenta, Paglalako at Patalastas Huwad, mali o mapanlinlang na patalastas, pagtatatak, paglaladlad sa mga bilihan o mga materyales na ginagamit sa pagpapahayag; sadyang mapanlinlang na mga mensahe, pagtatanggal ng mga mahahalagang detalye o mga huwad na deklarasyon ukol sa mga produkto ng kumpanya o maging ng mga kakompitensiya nito.
Mga Paglabag ng Mga Seguridad Pagtalikwas, pagmamalabis; partikular: ang pagtalikwas ng mga tuntunin kung saan ang mga batas ng seguridad ay itinakda. (Kabilang sa mga halimbawa: ang pangangalakal ng taga-loob)
Mga Usapin Tungkol sa Kontaduriya at Pagsusuri ng Tuos Ang di-maetikal na sistematikong pag-rerekord at pagsusuri ng mga transaksiyon ng negosyo at pinansiyal na may kaugnayan sa tinatanggap ng pangkalahatang mga kasanayan ng kontaduriya. (Kabilang sa mga halimbawa: ang maling-pahayag ng mga kinita, maling-pahayag ng mga gastos, maling-pahayag ng mga ari-arian, mga maling-aplikasyon ng mga prinsipyo ng GAAP, mga maling transaksiyon)
Pagbubunyag ng Kompidensiyal na Impormasyon Walang pahintulot at di-makabatas na pagbubunyag ng mga intelektuwal na pag-aari o mga lihim pangkalakal ng kumpanya, gayundin ng impormasyon tungkol sa empleyado, parukyano o mamimili, database ng mga pinagbebentahan at iba pang mga database na pag-aari ng kumpanya, mga balakin sa pagbebenta, mga mungkahi at mga istratehiya sa pangangalakal.
Paghihiganti Pasalita, pisikal o nakasulat na pagdidiskrimina o panggagambala sa isang indibidwal na sa mabuting hangarin ay nakagawa ng isang ulat tungkol sa isang isyu tungkol sa pagtalima.
Paglabag sa Karapatang Pantao Paglabag sa karapatang pantao ng iba ayon sa mga lokal na batas at internasyonal na pamantayan ng karapatang pantao. (Kabilang sa mga halimbawa ang, ngunit hindi limitado sa: child labour o anumang uri ng puwersahan o sapilitang pagpapatrabaho, pagtratrabaho sa kapaligiran na hindi ligtas o di kaya ay magdudulot ng panganib sa kalusugan, diskriminasyon, panliligalig, o karahasan sa lugar ng trabaho, human trafficking.)
Paglabag sa Patakaran Kusa o mga inosenteng aksiyon na direktang paglabag sa patakaran ng kompanya, mga paraan, kodigo ng pag-uugali, at/o ipinahiwatig na mga kontraktuwal na responsibilidad (Kabilang sa mga halimbawa: ang di-pagbunyag ng mga kasunduan, mga panuntunan sa pagtanggap, kaligtasan, paggamit ng Internet, mga korporadong patnubay).
Pagnanakaw Ang akto ng pangungupit; partikular; ang kriminal na pagkuha at pagtanggal ng personal na ari-arian na may intensiyong pagkaitan ang tunay na nagmamay-ari nito.
Pagtalikwas ng Pag-aaring Intelektuwal Anumang walang pahintulot o hindi angkop na paggamit, pagnanakaw o pagbubunyag ng kompidensiyal na impormasyon (sa anumang paraan) o ng pag-aaring intelektuwal na pagmamay-ari ng kumpanya o sinumang parukyano, pinagbibilhan o kasosyo ng kumpanya kabilang, walang limitasyon, ang anumang pag-aaring intelektuwal na pinoprotektahan ng anumang batas ng Estados Unidos o ng iba pang mga batas na may kaugnayan sa mga copyright, patent o mga lihim pangkalakal. Kabilang din dito ang anumang walang pahintulot o hindi angkop na paggamit ng anumang sistema ng kompyuter ng kumpanya.
Pakikipagsabwatan sa Pangangalakal Pakikipagsabwatan, pasalita man o nakasulat, sa ibang mga nangangalakal upang itakda ang mga presyo; iboykot ang iilang mga pinagbibilhan o parukyano; ilaan lamang sa kanilang mga kabilang ang mga produkto, teritoryo o mga pinagbebentahan o magpalitan ng impormasyong sensitibo sa kompetisyon; gayundin ang pakikilahok sa mga diskusyon tungkol sa presyo, mga diskwento, mga gastusin, kompetisyon, mga banghay o pag-aaral sa pagbebenta, mga banghay at kakayahan sa paggawa o anumang ibang kompidensiyal na impormasyon.
Palsipikasyon ng mga Kontrata, Mga Ulat, o Mga Rekord Ang palsipikasyon ng mga rekord ay kinabibilangan ng pagbabago, pag-iimbento, pagpapalsipika, o paghuhuwad ng lahat o anumang bahagi ng isang dokumento, kontrata o rekord para sa layuning makabentaha, o maling-pagpiprisinta ng halaga ng dokumento, kontrata o rekord.
Sabotahe o Bandalismo Paninira ng ari-arian ng isang empleyado (gaya ng mga kasangkapan o mga materyales) o ang paghahadlang ng pagmamanupaktura ng mga diskontentong trabahador (Kabilang sa mga halimbawa: Ang paninira ng kagamitan, pagnanakaw, pagpapabagal ng trabaho, birus ng kompyuter)
Salungatan ng Interes Ang salungatan ng interes ay pinakahulugan bilang isang sitwasyon kung saan ang isang tao, gaya ng isang opisyal pampubliko, isang empleyado, o isang propesyonal, ay may pribado o personal na interes na sapat para lumitaw na impluwensiyahan ang pamamalakad ng kanyang mga opisyal na tungkulin. (Kabilang sa mga halimbawa: ang di-naaangkop na mga kaugnayan sa nagbebenta, panunuhol, maling-gamit ng kompidensiyal na impormasyon, di-naaangkop na mga kaugnayan sa parukyano)
Iba Kung nararamdaman ninyo na ang mga depinisyon sa itaas ay hindi nagsasalarawan ng kaganapan, aksiyon o sitwasyon na inyong hinahanap upang iulat, mangyaring gamitin ang pamuhatang ito.