MGA MADALAS NA KATANUNGAN

ABOUT THE MANULIFE / JOHN HANCOCK ETHICS HOTLINE

T. Ano ang ethics hotline?

Ang ethics hotline ay isang paraang pang-komunikasyon na naka-base sa telepono at web na nag-aalok sa mga empleyado ng Manulife/ John Hancock ng kompidensyal na paraan upang i-report ang hinihinalang di-etikal, di-propesyonal, ilegal o mapandayang gawain ng mga ibang taong may kaugnayan sa Kompanya. Lahat ng impormasyon ay pinananatiling kompidensyal at lahat ng mga report ay sineseryoso. Ang mga nagre-report sa telepono at web ay maaaring manatiling di-nakikilala. Mariing hinihimok ng Kompanya ang mga empleyado na subukang lutasin ang mga isyu sa pamamagitan ng kanilang pangasiwaan bago gamitin ang ethics hotline. Ang ethics hotline ay hindi inilaan para sa pagre-report ng mga tanong o inaalala tungkol sa pagganap, disiplina, at pamamalakad ng yamang-tao (human resources) sa mga isyu gaya ng paglabag sa patakaran sa pananamit, mga salungatan ng personalidad at mga alitan sa pagitan ng mga empleyado na hindi maituturing na mapandayang pag-uugali. Gayunpaman, kung hindi komportable ang isang empleyado na makipag-usap sa kanilang tagapangasiwa at/o Human Resources, maaari nilang i-report ang problema sa ethics hotline. Bagama’t ang ethics hotline ay inilaan unang-una para gamitin ng mga empleyado, ikatlong partido (hal., mga vendor, supplier, sub-adivers, atbp.) maaari ding ireport ang hinihinalang di-etikal, di-propesyonal, ilegal o mapandayang gawain.

T. Ang ethics hotline ba ay para sa mga parokyano?

Hindi. Ang ethics hotline ay inilaan unang-una para gamitin ng mga empleyado ng Manulife. Anumang mga inaalala kaugnay sa kostumer ay dapat iparating sa naaangkop na yunit ng serbisyo sa kostumer o pagtupad (compliance).

T. Bakit may hotline ang Manulife?

Ang ethics hotline ay naging at mananatiling isang bahagi ng pangkalahatang misyon ng Kompaniya sa pagpapalakad ng negosyo ayon sa pinakamataas na pamantayan ng katapatan at katarungan. Ang paggamit ng isang hotline ay iba pang kasangkapang magagamit ng mga empleyado upang makatulong na maabot ang layuning ito.

T. Ano ang EthicsPoint?

Ang EthicsPoint ay isang independiyenteng kompanya na nagbibigay ng marami at di-nakikilalang paraan na naka-base sa Internet at telepono para sa pagre-report ng hinihinalang di-etikal, di-propesyonal, ilegal o mapandayang gawain na ginagawa ng ibang taong may kaugnayan sa Kompanya

Makikita ang Pahayag sa Pagkapribado para sa NAVEX sa kanang sulok sa ibaba ng EthicsPoint webpage.

T. Kung gagawa ako ng report, maaari ba akong maging biktima ng anumang klaseng paghihiganti?

Hindi. Maaari mong i-report ang hinihinala o posibleng di-legal o di-wastong pag-uugali nang di-natatakot sa paghihiganti. Ang paghihiganti ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas at ng Patakaran ng Kompanya sa Kilos Pang-negosyo at Wastong Pag-uugali.

KAILAN AT BAKIT MAGRE-REPORT

T. Talaga bang nais ng pangasiwaan na ako ay mag-ulat?

Talagang nais namin. Katunayan, kailangan namin kayong mag-ulat. Maaaring mayroon kayong paunang kaalaman tungkol sa isang gawain na maaaring magsanhi ng alalahanin. Ang inyong pag-ulat ay makakabawas sa maaaring negatibong epekto sa Kompaniya. Gayundin, ang pagbibigay ng positibong input ay maaaring makatulong upang matukoy ang mga isyung makapagpaganda sa ating trabaho.

T. Anong uri ng mga sitwasyon ang dapat kong i-report?

Ang EthicsPoint ay isang paraan ng komunikasyon na nagbibigay ng pagkakataon para sa pamamahagi ng anumang uri ng impormasyon na itinuturing mong maaaring mga paglabag sa Patakaran ng Manulife sa Pag-uugali at Etika sa Negosyo. Maaaring kabilang dito ang mga alintana tungkol sa di-etikal, di-propesyonal, ilegal, mapandaya o iba pang kuwestiyonableng asal kabilang ang ngunit hindi lamang:

  • Mga gawain sa accounting at auditing
  • Pagiging kompidensyal, pagiging pribado, at pag-aaring intelektuwal
  • Mga salungatan ng interes
  • Ilegal o hinihinalang ilegal na mga gawain
  • Mga peligro sa reputasyon
  • Di-patas na mga gawain sa negosyo o pagbibigay ng maling impormasyon o pagpapanggap bilang kinatawan

Ang ethics hotline ay hindi inilaan para sa pagre-report ng mga tanong o mga alintana tungkol sa mga pamamalakad sa pagganap, disiplina, at yamang-tao (human resources) sa mga isyu gaya ng paglabag sa patakaran sa pananamit, mga salungatan ng personalidad at mga alitan sa pagitan ng mga empleyado na hindi maituturing na mapandayang pag-uugali. Gayunpaman, kung hindi komportable ang isang empleyado na makipag-usap sa kanilang tagapangasiwa at/o Human Resources, maaari nilang i-report ang problema sa ethics hotline

T. Ano ang mas naaangkop na i-report sa pangasiwaan sa lugar o Human Resources?

Ang iyong mga tanong o alintana tungkol sa mga pamamalakad sa pagganap, disiplina, pangha-harass, diskriminasyon at human resources o yamang-tao ay maaaring iparating sa iyong kontak sa pangasiwaan, Employee Relations o Human Resources.

PRIVACY

T. Sa aking pagkakaalam, anumang ulat na ipadala ko mula sa kompyuter ng kompaniya ay lumilikha ng tala sa server na nagpapakita ng lahat ng web-site na nakonektahan ng aking PC, hindi ba ako matutukoy ng tala bilang pinanggalingan ng ulat?

Ang EthicsPoint ay hindi lumilikha o nagmamantine ng anumang pangloob na tala ng mga koneksiyon sa mga IP address, kaya't walang anumang impormasyon ang maguugnay ng inyong PC sa EthicsPoint. Base sa napag-alaman na mas mababa pa sa 12% ng mga ulat ang nalikha sa oras ng trabaho, gugustuhin ng karamihan ng mga taong mag-ulat mula sa kanilang tahanan pagkatapos ng oras ng trabaho at tuwing Sabado at Linggo. Ang Ethics Point ay isang ikatlong partidong tagabigay ng serbisyo at obligado ayon sa kontrata na huwag i-report ang alinmang mga IP address.

T. Nangangamba ako na ang impormasyong ibibigay ko sa EthicsPoint ay tuluyang magbunyag ng aking pagkakakilanlan. Paano ninyo matiyak sa akin na hindi ito mangyayari?

Ang sistema ng EthicsPoint ay nakabanghay sa paraang mabigyang-proteksiyon ang inyong pagiging di-kilala. Subali't, kayo bilang partidong nag-uulat ay kailangang magtiyak na ang kabuuan ng inyong ulat ay hindi maghahayag ng inyong pagkakakilanlan nang hindi sinasadya, halimbawa, “Mula sa aking pwesto kasunod kay Jan Smith…” o “Sa loob ng aking 33 taon…”

T. Hindi ako sigurado kung ang aking naobserbahan o narinig ay isang paglabag sa Patakaran ng Manulife sa Pag-uugali o Etika sa Negosyo, o sangkot ang di-etikal na pag-uugali, ngunit sa tingin ko ay hindi ito tama. Ano ang aking dapat gawin?

Maghain ng ulat. Ang EthicsPoint ay makakatulong sa inyo sa paghanda at paghain ng inyong ulat upang ito ay maintindihan nang maayos. Mas gugustuhin naming mag-ulat kayo ng sitwasyong sa huli ay lalabas na hindi pala nakasasama kaysa sa hayaang magpatuloy na hindi nasusuri ang isang posibleng di-etikal na gawain dahil hindi kayo sigurado. Pakitandaan, ang ethics hotline ay hindi inilaan para sa pagre-report ng mga tanong o mga alintana tungkol sa mga pamamalakad sa pagganap, disiplina, at human resources o yamang-tao sa mga isyu gaya ng paglabag sa patakaran sa pananamit, mga salungatan ng personalidad at mga alitan sa pagitan ng mga empleyado na hindi maituturing na mapandayang pag-uugali. Gayunpaman, kung hindi komportable ang isang empleyado na makipag-usap sa kanilang tagapangasiwa at/o Human Resources, maaari nilang i-report ang problema sa ethics hotline.

T. Saan napupunta ang mga report na ito at sino ang may-access sa mga ito?

Ang mga ulat ay direktang naipapasok sa pinid na server ng EthicsPoint upang maiwasan ang anumang posibleng paglabag sa seguridad. Ang mga ulat na ito ay inilalaan ng EthicsPoint para lamang sa mga tiyak na indibidwal sa loob ng kompaniya na responsable sa pagsusuri ng uri ng paglabag at lugar ng pinangyarihan. Bawat isa sa mga tumatanggap sa mga report na ito ay nagsanay sa pagpapanatili sa pagiging kompidensyal ng mga report na ito. Ang sistema at mga empleyado ng EthicsPoint ay nagsanay at naninindigan sa paniniguro na walang report ang kailanman ay maibabahagi sa mga kasangkot na partido, sa kanilang mga kaibigan, o mga tauhan.

T. Paano kung kasangkot ang aking tagapamahala o ibang mga tagapangasiwa sa isang paglabag? Hindi ba sila makakakuha ng ulat?

Alinsunod sa paghikayat na iwasan ang mga salungatan ng interes na itinakda sa Patakaran ng Manulife sa Pag-uugali at Etika sa Negosyo, (“Nangyayari ang “salungatan ng interes” kapag nakakasagabal ang iyong pribadong interes sa alinmang paraan sa interes ng kompanya" Code, p. 16, et. seq.), ginagawa ng Global Compliance Office ang lahat ng makatwirang paraan upang tumulong na masiguro na walang bahid ng salungatan ang alinmang proseso ng EthicsPoint sa imbestigasyon at/o pangangalap ng impormasyon. Bilang halimbawa, kung pinangalanan ng Nagreport ang isang superbisor bilang pinaparatangang taong gumawa ng gawaing inirereklamo, hindi ididirekta o hindi makikisali ang superbisor sa proseso ng imbestigasyon at/o pangangalap ng impormasyon, ngunit maaaring hingin sa superbisor na sumailalim siya sa isang panayam at/o magbigay ng impormasyon.

Gayun din, kung sakaling ang mga paratang sa EthicsPoint ay isampa laban sa CEO, COO, sa Global Compliance Chief, o lahat ng Global Compliance Office Level 1 Users ng EthicsPoint, alinsunod sa isang hanay ng mga tagubilin, idudulog ng sistema ng EthicsPoint ang ganoong mga bagay sa isang naunang tinukoy na hanay ng mga taong itinalaga upang tumulong na siguruhin ang isang walang bahid ng salungatan na proseso ng imbestigasyon at/o pangangalap ng impormasyon.

T. Paano kung may maalala akong mahalagang bagay tungkol sa pangyayari matapos akong maghain ng ulat? O paano kung may mga karagdagang tanong ang kompaniya para sa akin tungkol sa aking ulat?

Kapag naghain kayo ng isang ulat sa web site o sa pamamatigan ng mga internasyonal na numerong matatawagan nang walang bayad, makakatanggap kayo ng natatanging user name at hihilingin kayong mamili ng isang password. Maaari kayong bumalik sa sistema ng EthicsPoint sa pamamagitan ng Internet o telepono at balikan ang orihinal na ulat upang sagutin ang mga tanong ng kinatawan ng kompaniya at magdagdag ng impormasyon na makakatulong sa pagbigay tugon sa mga bukas na isyu. Iminumungkahi namin sa inyong bumalik sa site sa oras na itinalaga upang sagutin ang mga tanong ng kompaniya. Kayo at ang kompaniya ay pumasok na sa isang "usapang walang pagkakakilanlan” kung saan ang mga sitwasyon ay hindi lamang natutukoy kundi maaaring mabigyang tugon, gaano man kasalimuot.

T. Ang mga karagdagang ulat na ito ba ay kasing pinid sa nauna?

Ang lahat ng komunikasyon ng EthicsPoint ay nananatiling lihim gaya ng naunang ulat, na pinapatuloy sa ilalim ng pagiging di-kilala.

T. Paano kung nais kong makilala kasama ng aking ulat?

Mayroong isang bahagi sa ulat kung saan pwede kayong magpakilala, kung nais ninyo.

T. Kung gagawa ako ng report, maaari ba akong maging biktima ng anumang klaseng paghihiganti?

Hindi. Maaari mong i-report ang hinihinala o posibleng di-legal o di-wastong pag-uugali nang di-natatakot sa paghihiganti. Ang paghihiganti ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas at ng Patakaran ng Kompanya sa Kilos Pang-negosyo at Wastong Pag-uugali.

Mga FAQ sa Salungatan ng Interes

PAANO MAGREPORT

T. Maaari ba akong mag-ulat gamit ang alinman sa Internet o telepono?

Oo, maaari. Sa pamamagitan ng pagbigay sa inyo ng mga pagpipilian, ang EthicsPoint ay tumutulong sa pagtiyak na ang mga empleyado ay makakapaghain ng ulat nang walang pagkakilanlan at sa paraang pinakakomportable o kombinyente para sa kanila.

T. Maaari ba akong maghain ng ulat mula sa aking tahanan at mananatili pa ring dikilala?

Ang ulat mula sa tahanan, sa kompyuter ng kapitbahay, o anumang portal ng Internet ay mananatiling pinid at walang pagkakakilanlan. Ang portal ng Internet ay hindi kailanman tumutukoy sa isang gumagamit sa pamamagitan ng screen name at ang sistema ng EthicsPoint ay nagtatanggal ng mga Internet address upang ang pagiging dikilala ay tuluyang mapanatili. Dagdag pa dito, ang EthicsPoint ay tapat sa kasunduan na hindi alamin ang pagkakakilanlan ng tagaulat. Upang mag-ulat mula sa labas ng Kompaniya, pumunta lamang sa www.ManulifeEthics.com

T. Maaari pa rin ba akong mag-hain ng ulat kahit na wala akong koneksiyon sa Internet?

Maaari kayong maghain ng ulat sa EthicsPoint mula sa alinmang kompyuter na may koneksiyon sa Internet sa pamamagitan ng pagpunta sa www.ManulifeEthics.com . Maaari kayong maghain mula sa tahanan. Maraming mga pampublikong lokasyon, kabilang na ang pampublikong aklatan, ang may kompyuter na nakakonekta sa Internet. Kung wala kayong makukuhang koneksiyon o hindi komportable sa paggamit ng isang kompyuter, maaari kayong tumawag sa hotline ng EthicsPoint na matatawagan nang walang bayad na nakahanda 24 oras sa isang araw, 365 na araw sa isang taon.

Mula sa Kanada at sa United States, idayal ang walang-bayad na 866-294-9534 . Mula sa ibang bansa, i-klik ito .

T. Kompidensiyal at walang pagkakakilanlan din ba ang hot line sa teleponong matatawagan nang walang bayad?

Oo. Hihilingan kayo ng impormasyong katulad ng inyong ibibigay sa isang ulat na nakabase sa Internet at ipapasok ng tagapanayam ang inyong sagot sa web site. Ang mga ulat na ito ay ginagamitan ng ganoon ding mga hakbang na nagpapanatili ng pagkapinid at pagkakompidensiyal habang inihahain.

MAGTANONG SA GLOBAL COMPLIANCE

Kung mayroon kang tanong o alalahanin, maaari kang makipag-ugnayan sa sumusunod na kawani ng Opisina ng Global Compliance:

Kevin Cloherty

Pinuno ng Global Compliance
617-663-2375 x 732375

Sören Seitz

Kinatawang Pinuno ng Global Compliance
852-2510-3563 x 663563

Kevin Askew

Pandaigdigang Pinuno sa Mga Krimeng Pinansyal at Opisyal ng Anti-Money Laundering
617-663-2453 x 732453

Robin Pak

AVP at Nakakataas na Tagapayo, Global Compliance
617-663-2005 x 732005

Elena Papoulias

AVP at Tagapayo, Global Compliance
617-663-4214 x 734214